Mga resulta ng donation program para sa lindol sa Japan noong ika-11 ng Marso

15/06/2011

Kaming lahat sa AIP ay nakikiramay sa mga biktima, pati na rin sa mga kapamilya at kaibigan ng mga ito, ng mga nasalanta ng M 9.1 na lindol na tumama sa Tohoku area ng Japan noong ika-11 ng Marso.

Upang makapagbigay ng suporta sa mga nangangailangan sa Japan, ang AIP ONLINE SURVEYS ay nagtaguyod ng isang donation program.
Ang AIP ONLINE SURVEYS ay nagdonate sa Japanese Red Cross Society ng 5% na halaga ng lahat ng puntos na nalikom ng aming mga miyembro mula sa iba't ibang panig ng mundo mula 03/18/2011 hanggang 04/30/2011.

Isang espesyal na webpage ang aming ginawa upang ipabatid ang kabuuang halaga.  Maaari sanang i-click [dito] upang mapuntahan ang pahina.  (Ang sumusunod na pahina ay nasa salitang Ingles at Hapon lamang)

Sa webpage ring ito makikita ang mga resulta ng survey tungkol sa lindol noong ika-11 ng Marso, pati na rin ang mga mensahe mula sa aming mga miyembre para sa mga biktima ng sakuna.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng tao mula sa iba't ibang panig ng mundo na tumulong para sa donasyon.


AIP ONLINE SURVEYS